Pages

Saturday, March 22, 2014

HINDE

"Sagot ko na ngiti at tawa mo..." -J

Hindi ko alam kung pano uumpisahan to. Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong gamitin para mabuo tong sulat na to. Ang alam ko lang, hindi na itim at asul ang kulay ng mundo. Ayos!


Pareho kami ng nilalakarang daan. Ako miserable, sya rak lang. Sobrang magkaiba ung ugali namin pati mga paniniwala at pananaw sa buhay. Lagi syang tama, laging may point. Feeling ko may kuya 'ko pag pinagsasabihan nya. Ayokong maging cheesy dito at magsabi pa ng kuna anu-ano. Irekta na natin to. Mahal ko kasi tong tao na to. Oo tama, kahit magalit pa si Ma'am _________ (linya niya yan).

Ngayon ko narealize na kulang ang kulay ng buhay ko. Wala akong childhood. Wala akong sugat/peklat na dala ng pagiging bata (pwera na lang dun sa nasa kaliwang tuhod ko na dala ng katangahan ko nitong college na 'ko). Pa'no ko narealize to? Dahil sa kanya. Sobrang daming kwento ng buhay nya. Sobrang daming pangyayari. Ang daming kulay! Nakakalula. Nakakatuwa. Alam mo bang dahil sa mga kwento nya kaya nahulog din ako sa kanya? (nakanaaaaaaaang!) Sabihin na natin na mahilig ako magbasa. Sa mga binabasa ko, dun ako nakakakuha ng ibang kulay. Dun ako nakakakilala ng ibang tao. Dun napupunan ung mga kulang na kwento sa buhay ko. Para syang libro. Para syang libro na nagkatawang-tao. Hindi ko na kailangang basahin ang bawat linya sa bawat pahina, lahat yun naririnig ko na mula sa kanya.

May mga kwento syang sobrang natawa ko. Maloko din ung tao na un weh. (ung "weh" sa kanya ko napulot yan) May mga kwento din syang nakakalungkot. Pag nagkekwento sya ng mga ganun, gusto ko lang syang titigan at yakapin at sabihin na loves ko sya kahit pa wala naman yun kinalaman sa kinekwento nya. Kaso hindi ko magawa, minsan kase nakakaiyak. Nakakatuwa na kahit hindi ko itanong sa kanya, kinekwento pa rin nya. Hindi tulad ko, madalas takot/nahihiya na baka pag sinabi ko tong bagay na to eh mag-iba ung tingin nya. Hindi lang sya, pati sa ibang tao.

Basta gusto ko lang maging masaya. Siguro naman lahat tayo diba? Basta 'ko masaya 'ko pag kasama ko sya. Masaya ko pag nagtetext sya. Masaya ko pag tumatawag sya. Masaya ko pag nagkekwento sya. Masaya ko pag sabay kaming kumakain. Masaya ko pag sabay kaming umuuwi. Masaya ko pag nagtatampu-tampuhan ako tas sasabihin nya "sige magma-McArthur na lang din ako". Masaya ko pag aakbayan/hahawakan nya ko sa kamay at bubulong ng "I love you" Masaya ko kase loves nya ko. Masaya ko kase loves ko sya. Masaya ko kase sigurado ako na loves ko sya. Masaya ko pag kasama ko sya...teka nasabi ko na ba 'yon? Basta ayokong mawala kahit ano dito. Pag may nawala, wala na ulit kulay ang mundo. Itim at asul na lang ulit. Mabubulok na naman ako sa apat na sulok ng masikip kong kwarto.


PS: Baka nagtataka kung bakit ganian ung title "Hinde"...tanong mo na lang sa kanya pag nakita mo sya. May pitong nunal sya sa kamay, tingnan mo na lang. ♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥ #imsogay