Pages

Friday, April 19, 2013

Yumi

Habang nilalapat ko ang mga daliri ko sa mga letrang toh, naluluha ako.

Kung hindi ka mahilig sa aso, kung kahit kelan hindi ka nagkaroon ng alaga, wag mo ng basahin toh. Kase sa malamang, hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko.

Ang lungkot. Ang sakit. Mas matindi pa toh sa kahit anong klase ng heartbreak na iniiyak ng karaniwang teenager ngayon. Wala na si Yumi.

Habang nilalapat ko ang mga daliri ko sa mga letrang toh, tumatakbo sa isip ko ung mga ala-ala ni Yumi. Masyadong madrama? Sabi ko naman sa'yo, kung hindi ka mahilig sa aso, kung kahit kelan hindi ka nagkaroon ng alaga, wag mo ng basahin toh. Kase oo, madrama talaga toh dahil nalulungkot ako.

Mas madali ko sana matatanggap na wala na yung pinakamabait at pinakamataba naming aso kung sa sakit sya namatay, kaso hindi e. Yung makita mong naghihingalo na ung paborito mong alaga, unti-unti na syang namumutla, pabagal na ng pabagal ung paghinga niya...nakakapanghina. Kelangan kong tumigil sa pag-iyak kase wala naman ng magagawa ung luha ko. Buti sana kung nasa fantaserye kami na pag tumulo ung luha ko sa kanya eh bigla na lang syang lalakas at mabubuhay. Kaso wala kami sa fantaserye.

Sabi ni mommy, baka si Yumi daw ung naging pantubos sa kung kanino man sa kamag-anak namin. Ganun daw yun eh. Pag daw may maaaksidente o mamamatay sa pamilya niyo, ung alaga niyo daw ung sasalo nun. Sila daw yung mamamatay para sa inyo. Ang sakit. Kawawa naman ung mga anak ni Yumi.

Gusto kong magalit. Gusto kong magmura. Gusto kong isumpa ung bumaril sa kanya. Kaso hindi ko magawa. Kase mas nanghihina ako dun sa thought na hindi Siya ung kumuha sa kanya...sila. Nandun pa sa daan namin ung bakas ng dugo ni Yumi. Kung alam ko lang na mangyayari yun, pinapasok ko  na sana sya sa kulungan niya. Ang sakit sakit sa kalooban. Kung alam lang nila kung gano namin itinuring na kapamilya si Yumi. Sa ginawa nila, mas karapat dapat silang tawagin na hayop kesa sa alaga namin! Kahit nga dito ni hindi ko matawag na hayop si Yumi eh. Sobrang sama nila.

Nagagalit ako pero mas nalulungkot ako. Pero alam ko, kahit ano pang maramdaman ko, kahit ano pang sabihin ko...hindi na nito maibabalik si Yumi. Bahala na Siya sa inyo.


No comments:

Post a Comment